JOKE TIME :)


Mommy
MOMMY1: ano pinapainom mo sa baby mo?
MOMMY2: promil, para sa matatag na pangarap.. eh kaw?
MOMMY1: emperador, para sa totoong tagumpay..


ODORLESS


isang lalaki nagpunta sa doktor, at sinabi, " Dok, me problema po ako sa utot ko po dok, hindi siya nangangamoy at napakahina po ng tunog, pero palagi akong nauutot.


Sinabi ng doktor na "paliwanag mo mabuti", at sinabi ng lalaki, " Sa katunayan po niyan 20 beses na po akong umutot simula po ng dumating po ako dito. Hindi nyo lang po siguro napansin kasi wala itong amoy at hindi ninyo naririnig. 


Sige, inumin mo tong gamot, at bumalik ka sa susunod na linggo, sabi ng doktor 


Bumalik ang lalaki, "Dok, ano gamot ang ibinigay mo sa akin, bakit ang utot ay mahina pa rin pero ang baho naman ? 

Magaling!!


Ngayong nagamot ko na ang iyong sinus, susunod naman natin ang iyong tenga!



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHEESY BANAT LINES


  1.  May Farmville ka ba? Pati kasi puso ko na-harvest mo na eh
  2.  Para kang alarm clock, ginising mo ang natutulog kong puso
  3.  Sana piso ka na lang at 100 ako, kasi di ako mabubuo ng wala ka

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


NAKAKAKILABOT


Isang gabi sumakay ako sa jeep. Lahat ng pasahero nakatitig sa akin. Walang umiimik. Sinubukan ko mag bayad pero di nila inaabot ang pera ko. Kinalabutan ako.
May isang matandang bumulong sa akin, “hindi ka na dapat naparito. Umalis kana habang kaya mo pa.”
Napalunok ako, “ano hong ibig nyo sabihin?”
“INARKILA NAMIN ITO, NOh!!!”



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


MATINDING VACUUM CLEANER


Ahente kumatok at matapos pagbuksan ng may-ari ng bahay

ay biglang kinalat ang tae ng kabayo sa sahig sabay sabing:

KAKAININ KO ITO KAPAG HINDI ITO MALINISAN NG AKING

TINITINDANG VACUUM CLEANER SA LOOB NG ISANG MINUTO!

May-ari ng Bahay: KAINININ MO YAN LECHE KA! BROWN-OUT NGAYON!



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


ASO KO



Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala
niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.